Herd immunity, malabong makamtan ng PH sa 6 na buwan: health advocate

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Kuha ni: Ezra Acayan (Getty Images)

Tila malabong maabot ng Pilipinas ang herd immunity kontra Covid-19 sa dulong bahagi ng taon, pahayag ng isang independent health advocate noong Martes, dahil umano sa mabagal na rollout ng mga bakuna sa bansa.

“I’m not optimistic that we’ll be finished in 6 months, given na 1.7 million pa lang ang nababakunahan natin,” ani Dr. Tony Leachon, dating adviser ng coronavirus panel ng gobyerno, said sa isang online forum.

Kinakailangang mabakunahan ng Pilipinas ang nasa 70 milyong mamamayan upang makamtan ang herd immunity.

Dapat umanong dumulog ang pamahalaan sa pribadong sektor at bawasan ang red tape sa procurement ng mga bakuna ng pribadong sektor upang mapabilis ang vaccination program.

Aniya, “Late na in the ball game. Medyo tight ang global supply right now.”

“They should have been given the latitude and flexibility to order right away,” giit ni Leachon tungkol sa mga pribadong kumpanya.

Noong Lunes, sinabi ni Vaccine czar Carlito Galvez, Jr. na posibleng makamtan ng bansa ang herd immunity sa Nobyembre kasabay nang pagdating sa bansa ng karamihan ng vaccine supplies sa Hunyo.

Aniya, “We have a lot of supply chain expert who made the simulation. And we have already prepared for that.”

LATEST

LATEST

TRENDING