DOH: ‘Indian’ Covid-19 variant, ‘di pa natutuklasan sa PH

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Kuha ni: Adnan Abidi (Reuters)

Sinabi ng Department of Health (DOH) noong Lunes na wala pang nade-detect ng tinaguriang “Indian variant” ng coronavirus sa Pilipinas.

“Dito po as atin sa Pilipinas, we reviewed all of our records. Pinaaral din natin sa Philippine Genome Center. We have not detected yet this kind of variant across the 5,000 na na-sequence na po natin na mga specimen dito sa bansa,” ani Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isang virtual briefing.

Umalingawngaw sa mga balita ang nasabing variant dahil sa kamakailangang pagsipa sa bilang ng Covid-19 cases sa nasabing bansa. Nadiskubre rin ito sa iba pang mga bansa tulad ng Estados Unidos, Australia, Israel, Switzerland at Singapore. 

Itinuturing ito bilang double mutant” dahil sa presensya ng dalawang mutations sa spike protein ng virus, kung saan madali umano itong nakakapasok at nakakapagparami sa katawan ng tao.

Ayon kay Vergeire, natukoy na ang nasabing variant noon pang Oktubre 2020 sa hindi bababa sa 6 bansa.

Aniya, “Pinag-aaralan ngayon ng Interagency Task Force on COVID variants itong sinasabing Indian variant.”

“Nagkaroon na rin tayo ng initial discussion with the Department of Foreign Affairs. They are just waiting for the recommendation of DOH together with our experts,” dagdag pa ng opisyal.

Isusumite umano ng ahensya ang rekomendasyon niyo sa IATF kapag nakatanggap na sila ng impormasyon mula sa mga dalubhasa.

LATEST

LATEST

TRENDING