Sara Duterte, muling nanguna sa 2022 presidential candidate survey

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Davao City Mayor Sara Duterte

Nangunang muli si Davao City Mayor Sara Duterte sa mga pinagpipiliang presidential candidates para sa 2022 elections, batay sa huling Pulse Asia survey.

27% ang pumili sa alkalde. Sinundan naman siya nina dating Senador Bongbong Marcos (13%), Senadora Grace Poe (12%), Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso (12%), at Senador Manny Pacquiao (11%).

60% ng mga taga-Mindanao ang pumabor kay Duterte at 21% namang mga taga-Visayas ang pumili sa kanya. Pagdating naman sa Metro Manila, nanguna sina Moreno (24%) at Marcos (19%).

Nanguna rin ang presidential daughter sa naunang survey ng Pulse Asia mula Nobyembre 23 hanggang December 2 noong nakaraang taon. Subalit, tinanggihan ng alkalde na tatakbo siya para sa pinakamataas na posisyon sa bansa. Nagbabala na rin ang kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte ukol dito sapagkat hindi umano “pambabae” ang trabaho ng isang Pangulo.

Ang huling survey ay isinagawa sa pamamagitan ng face-to-face interview mula Pebrero 22 hanggang Marso 3 na nilahukan ng 2,400 adults. Mayroon itong ± 2% error margin sa 95% confidence level.

LATEST

LATEST

TRENDING