Palasyo, iginiit na walang verbal fishing agreement sa pagitan nina Duterte at Xi

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Pangulong Xi Jinping ng China at Pangulong Rodrigo Duterte

Tinanggihan ng Malacañang noong Biyernes ang pahayag na mayroon umanong verbal fishing agreement sa pagitan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Pangulong Xi Jinping ng China.

Sa katunayan, hindi umano sang-ayon si Duterte  sa “unlawful” na pangingisda ng kahit anumang bansa sa katubigan ng Pilipinas.

“There is no truth to the speculation of a purported ‘verbal fishing agreement’ between President Rodrigo Roa Duterte and President Xi Jin Ping, nor that Chinese vessels were encouraged to stay in West Philippine Sea despite the diplomatic protests and strongly worded statements of Philippine government officials,” pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

“This is without basis and is quite simply, conjecture,” dagdag pa nito.

Hinikayat din ni Roque ang magkabilang panig na iwasan ang pagpapakalat ng “malicious speculations and false claims.”

Noong 2019, ibinunyag ni Duterte na mayroon siyang kasunduan kay Xi – kung saan pinapayagan ang Beijing na mangisda sa Recto Bank sa kondisyong hindi haharangan ng China ang mga Pilipinong mangingisda sa Scarborough Shoal.

“Will you allow the Chinese to fish? Of course. ‘Yan ang pinag-usapan namin noon, kaya tayong nag-uusap. And that was we were allowed to fish again. It was a mutual agreement. Sige bigayan tayo. Fish ka doon, fish ako dito,” sabi ni Duterte sa isang speech noong Hunyo 2019.

Gayunpaman, idiniin ni Roque na ang isang fishing agreement ay maaari lamang buuin sa pamamagitan ng isang treaty alinsunod sa batas ng Pilipinas.

Aniya, “A treaty must be in writing.”

“No such treaty or agreement exists between the Philippines and China,” dagdag pa nito.

LATEST

LATEST

TRENDING