4 katao, patay dahil kay ‘Bising’; Pinsala sa agri, infra umabot ng P222-M

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Larawan mula sa: MDRRMO-Virac

Apat katao ang nasawi at tinatayang nasa P222 milyong halaga ng pananim at imprastraktura ang nawasak dahil sa mabigat na pag-ulan at malalakas na hanging hatid ng Bagyong Bising, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) noong Biyernes.

Sinabi ni NDRRMC spokesperson Mark Timbal na 2 katao ang namatay sa Eastern Visayas, 1 sa Central Visayas at 1 naman mula sa Davao Region. 13 na iba pa ang naiulat na nasaktan kung saan karamihan dito ang nasa Davao Region.

“Although dumaplis lang talaga ‘yong bagyo dito sa Pilipinas, nagkaroon pa rin ng effects dahil sa tindi ng ulan at lakas ng hangin,” ani Timbal.

Ang pinsalang naidulot naman sa agrikultura, kabilang ang bigas, mais, at high-value crops ay nasa P211.6 milyon. Pumalo naman sa P10.5 milyong ang pinsala sa imprastraktura sa Bicol Region at Eastern Visayas.

Sa huli nitong bulletin, inihayag ng NDRRMC na winasak ng baguo ang 86 kabahayan habang bahagyang nasira naman ang 944 na iba pa.

Ang Bagyong Bising ang ikalawang bagyong pumasok sa bansa ngayong taon.

LATEST

LATEST

TRENDING