
Larawan mula sa: The Straits Times
Matapos ang umano’y red-tagging sa mga nag-organisa ng community pantries sa bansa, isinusulong ng mga senador na kaltasan ng badyet ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) para sa susunod na taon.
Sa isang tweet, sinabi ni Senador Joel Villanueva na dapat tigilan ng gobyerno ang paglalaan ng pondo sa NTF-ELCAC at dapat i-reallocate na lang ang kasalukuyan nitong P19 bilyong badyet bilang ayuda.
Nabigyan ng P19 bilyong badyet ang nasabing task force ngayong taon bagama’t tinutuligsa ito dahil sa red-tagging. Ang karamihan ng badyet na ito ay gagamitin sa pagpapatayo ng imprasktraktura at para suportahan ang mga barangay na wala nang pagbabanta ng insurgency.
Sumang-ayon naman kay Villanueva si Senador Sherwin Gatchalian at sinabing, “if these are the kind of people who will spend hard earned taxpayer’s money, then it’s not worth it.”
Sa isang panayam sa CNN Philippines, sinabi naman ni Senadora Nancy Binay na “high-time” na upang i-review ang badyet ng NTF-ELCAC sa susunod na taon, kung saan dapat umanong mas bigyan ng prayoridad ang problema sa pandemiya kaysa sa komunismo.
Oh my! We should move to defund NTF-ELCAC in the next budget. Sayang lang pera ng taong bayan 🤦♂️ Reallocate the current P19B budget for ayuda. Mas kailangan ito ng taumbayan kaysa sa mga ganitong kalokohan! #SupportCommunityPantry #SupportBayanihan #NoToRedTagging pic.twitter.com/tVTXwYnxpp
— Joel Villanueva (@senatorjoelv) April 21, 2021