Duterte, hindi dadalo sa ASEAN summit tungkol sa Myanmar: Roque

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Pangulong Rodrigo Duterte

Hindi dadalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa gaganaping summit ng mga lider ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa Jakarta sa darating na weekend, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque noong Huwebes.

Aniya, “Ang Presidente po, hindi personally mag-a-attend. But I’m sure, that our Department of Foreign Affairs will be there.”

Hindi naman nito binanggit kung bakit hindi sisipot ang Pangulo.

Magtutungo si United Nations special envoy Christine Schraner Burgener sa Jakarta sa Huwebes upang makipagpulong sa mga senior members ng Southeast Asian governments na nagnanais wakasan ang gulo sa Myanmar, ayon sa Reuters.

Ayon sa closed-door meeting ng Security Council noong Abril 1, nagbabala si Burgener na kung walang mangyayaring “collective action” ang international community upang pabagsakin ang kudeta sa Myanmar, posibleng mas marami pa aniya ang mamatay.

Naglunsad ng kudeta ang militar ng Myanmar upang palitan ang inihalal na civilian government noong Pebrero 1.

LATEST

LATEST

TRENDING