500,000 karagdagang doses ng Sinovac Covid-19 vaccine, dumating sa PH

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Nakatanggap noong Huwebes ang Pilipinas ng karagdagang delivery ng 500,000 doses ng bakuna kontra Covid-19 na gawa ng Chinese company na Sinovac Biotech.

Ang naturang mga bakuna ay isinakay sa isang Philippine Airlines flight na lumapag sa Ninoy Aquino International Airport noong 5 p.m. 

Nasa 3.525 milyong doses ng Sinovac vaccines na ang kabuuang suplay ng Pilipinas, kung saan hindi bababa sa 1.6 milyong doses ang naipamahagi na.

100,000 doses mula sa pinakahuling supply, ay ipamamahagi sa Metro Manila sa loob ng dalawa hanggang tatlong araw, ayon kay Vaccine czar Carlito Galvez, Jr.

Aniya, “Inaasahan po natin na iyong administration nito is within one week matatapos po kaagad.”

LATEST

LATEST

TRENDING