3 ospital, pinayagang gumamit ng ivermectin vs. Covid-19 ayon sa FDA

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Tatlong ospital na ang binigyan ng compassionate special permit upang gamitin ang anti-parasitic drug na ivermectin bilang potensyal na gamot kontra Covid-19, pahayag ng Food and Drug Administration (FDA) noong Huwebes.

Sa isang pagdinig sa Kamara, ibinunyag ni FDA director-general Eric Domingo na isang ospital ang pinahintulutang gumamit ng ivermectin upang gamutin ang mga Covid-19 patients nito.

Aniya, “Sa ngayon po, mayroon pa pong na-approve na isang hospital kahapon.”

Isa pang aplikasyon para sa limited permit ng ivermectin ang naka-pending.

Unang binigyan ng FDA ng CSP ang isang ospital noong Abril 8. Noong nakaraang linggo, sinabi ni Domingo na isa pang pribadong ospital ang pinayagang makagamit ng nasabing gamot bilang investigational drug laban sa Covid-19.

Ang ivermectin ay mga produktong beterinaryo, kung saan ginagamit ito bilang panlaban sa external parasites, tulad ng kuto, at skin conditions gaya ng rosacea.

Sa ginanap ng pagdinig, sinabi ni Domingo na posibleng dumating na ang certificate of product registration para sa ivermectin sa halip na emergency use authorization.

“Palagay ko po, mas mauuna pa ‘yong certificate of product registration kasi mayroong ngang nag-apply last weekend. Actually, that will be easier kasi kapag CPR puwede talaga siyang ibenta, i-market commercially,” ani Domingo.

LATEST

LATEST

TRENDING