US, mariing hinikayat ang mga mamamayan nitong huwag munang pumunta sa PH dahil sa Covid-19

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Mariing inabisuhan ng Estados Unidos ang mga mamamayan nito noong Miyerkules na huwag munang magtungo sa Pilipinas dahil sa “high level” na sitwasyon ng Covid-19 sa bansa.

Inisyu ng US Department of State ang Level 4: Do Not Travel restriction alinsunod sa abiso ng in Centers for Disease Control and Prevention.

Kabilang sa updated Level 4 list ang 100 na iba pang mga bansa. Dati, mayroon lamang nasa tatlong dosenang bansa sa Do Not Travel alert ng ahensya – ang pinakamataas sa lahat ng travel advisory levels.

Ayon sa US CDC, hindi dapat bumiyahe sa Pilipinas ang mga mamamayan nito, kahit nabakunahan na, dahil sa kasalukuyang sitwasyon ng Covid-19 sa bansa. Ang mga nakatanggap na ng bakuna ay posibleng makapagkalat ng iba pang Covid-19 variants.

Kung hindi naman maipagpapaliban ang pagpunta sa Pilipinas, hinikayat ng US ang mga mamamayan nitong kumpletuhin muna ang vaccine shots bago bumiyahe.

LATEST

LATEST

TRENDING