Palasyo, humingi ng tawad sa mabagal na distribusyon ng ayuda

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Larawan mula sa: DSWD

Humingi ng tawad ang Malacañang kaugnay ng usad-pagong na pamahahagi ng ayudang pinansyal para sa mga pamilyang apektado ng lockdown kasabay nang pagsipa sa bilang ng Covid-10 cases sa bansa.

“Patuloy po nating ipamamahagi ang ayuda na ₱23 billion. Sa ngayon po ₱4 billion pa lang po ang ating napamimigay,” ani Presidential Spokesperson Harry Roque sa kanyang regular na virtual briefing.

“Humihingi po tayo ng paumanhin dahil talagang medyo may kabagalan,” dagdag pa nito.

Gayunpaman, pinaalalahanan din nito ang publiko hinggil sa pangambang baka magkaroon ng hawaan sa pamamahagi ng ayuda.

Aniya, “Sa panahon po kasi ng pandemya, hindi natin maiiwasan na talagang mag-ingat dahil baka mamaya mabigay nga yung ayuda, eh magkaroon naman ng COVID yung mga taumbayan.”

Pinalawig na ng Departments of the Interior and Local Government, at Social Welfare and Development and deadline ng cash distribution sa Greater Manila Area sapagkat hirap na maisakatuparan ng mga local government units ang inisyal na itinakdang 15-day period sa pagbibigay ng ayuda.

LATEST

LATEST

TRENDING