Malacañang, pinalawig hanggang Mayo 15 ang deadline sa distribusyon ng ayuda

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Larawan mula sa: Manila PIO

Binigyan ng mas mahabang oras ang mga lokal na pamahalaan upang tapusin ang pamamahagi ng ayudang pinansyal sa mga pamilyang naapektuhan ng lockdown, ayon sa Malacañang noong Martes.

“Inextend ang deadline na makumpleto ang pamamahagi ng financial assistance hanggang a-15 ng Mayo 2021,” paglilinaw ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa kanyang virtual briefing.

Ayon kay Roque, pinalawig ang deadline upang mapigilan ang pagkukumpulan ng mga tao sa pagkuha ng ayuda.

Humingi naman ito ng dispensa para sa pagkaantala sa distribusyon ng ayuda, kung saan P4 bilyon pa lamang ang naipamamahagi mula sa kabuuang P23 bilyong pondo.

LATEST

LATEST

TRENDING