EO na nagpapababa ng taripa sa imported pork, epektibo na: DA Sec

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Tiniyak ni Agriculture Secretary William Dar noong Lunes ang “calibrated arrival” ng pork imports, kasabay nang pag-anunsyo nito na ang inilabas na exucutive order ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagpapababa ng tariff rates para sa produktong karne, ay epektibo na.

Inihayag ni Dar sa mga mambabatas na dumalo sa isang joint House hearing na nag-iisyu na ang Bureau of Animal Industry ng import permits alinsunod sa Executive Order 128.

“The EO 128 is now in effect and that continues to be implemented by us,” ani Dar sa ginanap na pagdinig ng House committees on agriculture and food, at trade and industry.

“We would like to assure that the calibrated arrival of said imports will be properly managed and hoping that, yes, our ultimate goal is really that the imports will lower the prices of pork in the market,” dagdag pa ng kalihim.

Ang EO 128, na inilabas ng Pangulo noong nakaraang linggo, ay nagpapababa ng tariff rates para sa pork imports sa 5 hanggang 20 percent, mula 30 hanggang 40 percent.

Ilang mga kongresista naman ang naghikayat kay Duterte na bawiin ang nasabing EO, sapagkat maaapektuhan umano nito ang mga lokal na negosyante.

Tiniyak naman ni Dar na ang pagdating ng pork imports ay hindi makakaapekto sa lokal na hog industry.

LATEST

LATEST

TRENDING