Ilang grupo, humiling kay Biden na bilisan ang delivery ng Moderna Covid-19 vaccines sa PH

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Ilang grupo sa pangunguna ng US-based ng mga Pilipino ang humihiling kay US President Joe Biden na bilisan ang delivery ng initial doses ng Moderna Covid-19 vaccine sa Pilipinas, kasabay nang pagsipa sa bilang ng Covid-19 cases sa bansa.

Nagpadala ang mga ito ng liham sa Pangulo na naghihikayat sa kanya na i-deliver sa Pilipinas ang 5 milyong Moderna vaccine doses sa Mayo, at hindi sa Hulyo 2021.

“The situation is dire, and the Philippines needs immediate help,” giit ng mga organisasyon.

Naunang lumagda ang Pilipinas ng isang tripartite deal agreement sa American manufacturer na Moderna para sa 20 milyong doses ng Covid-19 vaccine nito.

Ayon naman kay Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel ‘Babe’ Romualdez, tiniyak umano ng Moderna sa Pilipinas na ide-deliver nito ang inisyal doses ng bakuna sa Hunyo 15.

Gayunpaman, sinabi ng ambassador na sinisikap nilang maipadeliver ang mga ito nang mas maaga o sa Mayo, bagama’t sinabing “baka mahirap ito sa ngayon.”

LATEST

LATEST

TRENDING