PRRD, idiniing puwedeng manghimasok ang gobyerno sa operasyon ng hotels para sa Covid-19 patients

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Pangulong Rodrigo Duterte

Idiniin ni Pangulong Rodrigo Duterte na may kapangyarihan ang pamahalaan na manghimasok sa operasyon ng mga hotel at motel upang magamit ang mga ito bilang pasilidad para sa Covid-19 patients.

Ito ay matapos atasan ni Health Sec. Francisco Duque ang mga ospital na magreserba ng mga hotel rooms na puwedeng gamitin ng mga doktor at nurses na nahawa sa Covid-19.

“Government can expropriate ‘yong mga hotels, motels, whatever kung kulang ang — ang mga halfway houses natin ‘yong naghihintay. So we kind of have the power. The government has the power to just expropriate. Puntahan na lang at sabihin gagamitin,” sabi ni Duterte noong Lunes sa isang briefing.

Ayon naman kay Vaccine czar Sec. Carlito Galvez Jr., ang utos ng Pangulo sa PhilHealth na bayaran na ang valid claims ng mga ospital ay makatutulong upang maingat ang health care capacity ng mga ito.

“Iyong pagbayad po ng PhilHealth ng more or less P9.577 billion for NCR, Region IV, at saka Region III, ay nangako po sila na mage-expand po sila ng kanilang mga ICU beds. At nangako po sila na mage-expand sila ng 164 po na ICU beds at mago-open po sila ng mga additional wards and beds na humigit-kumulang po na 1,157 beds for moderate and severe case,” ani Galvez.

Dapat umanong nasa 2,000 ang bilang ng ICU beds sa banda para sa mga malulubhang kaso, subalit sa ngayon ay nasa 1,395 lamang ito.

Tumutulong naman aniya ang mga local government units (LGUs) upang punan ang kakulangan ng kama sa mga ospital.

“At ito po ay nangako rin po sila na ‘yong mga city ng Quezon City, Taguig, Caloocan, Manila, Pasay, Valenzuela, San Juan, Navotas, Parañaque at Makati . . . Na magkakaroon po sila ng additional 30 ICU beds para sa ating mga critical patients. And also additional 1,350 regular COVID beds for moderate, mild and asymptomatic,” dagdag pa ni Galvez. 

Ipinag-utos naman ng Pangulo sa mga ahensya ng pamahalaan na huwag magtipid sa paggastos para sa Covid-19 response.

Aniya, “Hindi ito panahon sa tipid. Ilarga mo lahat ‘yan kailangan ng tao. Maski hindi pa kailangan ilagay mo lang diyan tutal aabot rin ‘yan.”

LATEST

LATEST

TRENDING