Malacañang, sang-ayon sa pahayag na baka ‘taken out of context’ ang mababang efficacy rate ng Chinese vaccines

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Sinuportahan ng Malacañang ang naging pahayag ng pinakamataas na disease control official ng China na nagsabing may mababang efficacy rate ng mga Chinese vaccines ay wala sa konteksto.

Sa isang conference noong Sabado, sinabi ni Gao Fu, direktor ng Chinese Center for Disease Control and Prevention, na ang protection rate ng Chinese vaccines ay “hindi mataas,” bagama’t inaprubahan na gamitin sa higit 60 na mga bansa.

Subalit, noong Linggo. sinabi ni Gao na baka “taken out of context” ang kanyang naging pahayag habang nagbahagi ng pamamaraan upang mapaigting ang pagbabakuna.

Ayon naman kay Presidential Spokesperson Harry Roque noong Lunes, ang mga nabakunahan gamit ang Chinese vaccine ay maaari pa ring maprotektahan laban sa malalang Covid-19 cases.

“[Mr. Gao] has spoken and he said he has been taken out of context,” ani Roque.

“Pero ganoon pa man, assuming na tama nga yung 50% efficacy rate, ang ine-explain naman ng mga doktor paulit-ulit, that’s still a guarantee against serious illness or even death because of COVID, and that’s why ok pa rin po siyang proteksyon,” diin ni Roque.

Ang Sinovac Biotech ng China ang pangunahing bakuna kontra Covid-19 na available sa Pilipinas habang patuloy ang gobyerno sa pagtuturok at pamamahagi ng 1.5 milyong doses na nabili at 1 milyong doses na ibinigay bilang donasyon.

Naunang napag-alaman ng mga mananaliksik sa Brazil, batay sa kanilang trial data, na 50% effective lamang ang nasabing bakuna – kung saan ito ang itinakdang minimum standard ng World Health Organization.

Sa isang hiwalay na briefing noong Lunes, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na kinakailangang tingnan ng publiko ang pangunahing layunin ng pamahalaan sa vaccination.

Aniya, “Ang eksperto natin laging sinasabi it’s very dangerous for people to be comparing the efficacies across these vaccines,” she said. “Kailangan tingan ang clinical trials na naisagawa kung bakit lumabas ang ganyang efficacy. Ang ating primary objective is to save lives.”

LATEST

LATEST

TRENDING