Duterte, sang-ayon na i-waive ang kanyang slot sa Covid-19 vaccine

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Pangulong Rodrigo Duterte

Hindi umano mag-aatubili si Pangulong Rodrigo Duterte na isuko ang kanyang slot para mabakunahan ng bakuna kontra Covid-19 sa kahit sinuman.

Sa kanyang public address noong Lunes, inihayag ng Pangulo na ang kanyang edad ang dahilan kung bakit umano hindi na tatalab ang bakuna sa kanya.

Aniya, “Ako, ok na ako… Ako, magwe-waive ako, magwe-waive ako because 70 above… ano pang makuha mo magsige ka, dream? Dream of what? Living until kingdom come? Ako mag-waive ako, kung sino ‘yung may gusto sa slot ko, ibigay ko.”

Noong Marso 28, ipinagdiwang ni Duterte ang kanyang ika-76 na kaarawan.

Ayon sa Pangulo, tanggap niya kung oras na niya.

“Whether it’s Covid or a bala, or whatever, disgrasya. Wala ako masyadong ano diyan sa illusions about life and death. If anyone wants to have it, they can have it. We are not in the priority anyway,” diin nito.

Ayon kay Duterte, ang mga dapat bigyan ng prayoridad ay ang mga taong may mahaba pang buhay sa hinaharap.

LATEST

LATEST

TRENDING