Duterte, inatasan ang DILG na imbestigahan ang mga reklamo sa pagbibigay ng ayuda sa NCR Plus

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na imbestigahan ang mga naiuulat na iregularidad sa distribusyon ng ayudang pinansyal sa Metro Manila at mga karatig lalawigan.

Sa kanyang pakikipagpulong sa mga opisyal noong Lunes, inihayag ng Pangulo na nakakita umano siya ng media reports na nagkakaroon ng problema ang mga benepisyaryo sa pagkuha ng ayuda.

“Maraming nagreklamo na anos, so ask your field officers to try to make the rounds and investigate if these allegations are true,” ani Duterte.

Ginawa ng Pangulo ang nasabing request matapos sabihin ni DILG Usec. Bernardo Florece na walang natatanggap na reklamo ang ahensya hinggil sa pamamahagi ng emergency subsidy sa NCR Plus, na kinabibilangan ng Metro Manila, Cavite, Laguna, Bulacan, at Rizal.

Halos 23 milyong benepisyaryo mula sa low-income households sa nasabing mga lugar ang inaasahang makatatanggap ng ayuda mula sa social amelioration program ng pamahalaan.

Ang bawat kwalipiakdong residente ay makatatanggap ng cash o in-kind assistance sa halagang P1,000 kada isa o hanggang P4,000 naman kada pamilya. Binanatan naman ito ng mga kritiko sapagkat mas konti ito kumpara sa P5,000 hanggang P8,000 na ayuda sa ilalim ng Bayanihan 1 noong 2020.

Samantala, inamin naman ni Department of Social Welfare and Development Secretary Rolando Bautista, na naging mabagal ang pamamahagi ng ayuda na nag-umpisa noong Abril 6, kung saan 8% lamang ng pondo ang naibigay sa mga benepisyaryo noong Abril 11.

LATEST

LATEST

TRENDING