Duterte, iginiit na ‘sinadya’ niyang hindi magpakita sa publiko sa nakalipas na 2 linggo

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Pangulong Rodrigo Duterte

Muling binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang mga kritiko noong Lunes, ilang araw matapos itong maging mailap sa mata ng publiko sa loob ng halos dalawang linggo.

Sa kanyang public address, iginiit ng Pangulo na sinadya niyang hindi magpakita sa publiko.

“Noong nawala ako ng ilang araw, talagang sinadya ko ‘yun. Ganoon ako eh, kapag kinakalkal mo ako, lalo akong, parang bata? Kapag lalo mo akong kinakantyawan, eh mas lalo akong gumagana,” paliwanag ng Pangulo.

Ayon kay Duterte, ang kanyang tahanan ay palaging ang Davao City at malaya umano siyang uuwi anumang oras sapagkat hindi naman niya ginagastos ang pera ng bayan sa kanyang pag-uwi.

Tinalakay din ng Pangulo ang mga pambabatikos matapos mag-post sa social media ng videos at larawan ang kanyang dating assistant na si Senador Bong Go, kung saan makikitang nagjo-jogging, naglalaro ng golf, at nagmo-motorsiklo si Duterte.

Idiniin ng Pangulo na walang masama rito sapagkat ginawa niya ito sa madaling araw.

Aniya, “Pero kung sabihin mo na may sakit ako ngayon to prevent me from exercising the powers of the presidency, wala ho. Kaya ako nakaka-swing ng golf (club), tapos nagmo-motor, kasi kaya ko pa. The problem is you should look into the time I enjoy my hobbies. Gabi ‘yun, ano ba naman. Sa araw makita mo ako nag-golf…sabihin may problema.”

“If you want me to die early, you must pray harder. Actually, what you intend or what you would like to happen is to see me go. You want me to go and you’re praying for that,” dagdag pa nito.

Samantala, para naman kay Manila Apostolic Administrator Broderick Pabillo noong Martes, hindi “presidentiable” ang mga naging pahayag ni Duterte.

Aniya, “Sa mga salita ng Presidente, hindi ko na sinasagot kasi di naman kapani-paniwala ang kaniyang sinasabi. It’s not presidentiable na sasagot ka ng ganyan sa public address sa mga tao.”

“Hindi naman ‘yan ang hinahanap ng mga tao, hindi naman yan ang pangangailangan ng bansa. It’s not worth dealing with those kind of statements,” giit ni Pabillo.

LATEST

LATEST

TRENDING