ECQ, puwedeng ibalik sa Metro Manila at iba pang probinsiya kung kinakailangan – task force adviser

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Nakahanda ang pamahalaan para sa muling paghihigpit ng quarantine protocols sa Metro Manila at iba pang lalawigan kung kakailanganin, pahayag ng isang adviser sa Covid-19 national task force noong Lunes.

Ayon kay Dr. Ted Herbosa, ang desisyon ng gobyerno na isailalim ang NCR Plus — Metro Manila, Rizal, Bulacan, Cavite, at Laguna — sa mas maluwag na modified enhanced community quarantine (MECQ) ay hindi “fixed.”

“Like in any disaster or chaos, you are ready to actually move back to a stricter ECQ,” ani Herbosa.

“Remember, modified ECQ is still an ECQ. It’s still an ECQ, we just modify it with lesser restrictions,” dagdag pa nito.

Ang MECQ ay iiral sa NCR Plus hanggang Abril 30. Isinailalim din sa kaparehong uri ng lockdown ang lalawigan ng Quirino at Abra, pati na rin ang Santiago City sa Isabela.

Sinabi rin ni Herbosa na gumawa ang Inter-Agency Task Force (IATF) ng “balancing act” at kinonsidera ang mga nakalap na datos mula sa sektor ng kalusugan at ekonomiya.

Aniya, “When I looked at the minutes of that discussion, I saw the data being presented by our losses in terms of economics.”

“But I also saw that the health sector was also gaining in terms of what needed to be done,” dagdag pa nito.

Binanggit din ni Herbosa ang pagbubukas ng mas maraming isolation facilities sa NCR Plus para sa Covid-19 patients. Pinaigting umano ng gobyerno ang healthcare capacity sa rehiyon, kung saan nagdagdag ito ng 3,000 beds para sa Covid-19 patients.

Bumili rin aniya ng antigen tests ang pamahalaan, kung saan sinabi ng Health Department na puwede itong gamitin bilang stand-alone test sa mga lugar na may Covid-19 outbreaks.

LATEST

LATEST

TRENDING