AFP, pinaalalahan ang media na maging ‘prudent’ sa pagco-cover sa West PH Sea

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Pinaalalahanan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) noong Biyernes ang mga miyembro ng media na maging maingat sa pagco-cover nito sa loob ng West Philippine Sea, sapagkat “concerned” ang militar sa kapakanan ng lahat.

Naglabas ng pahayag ang AFP dalawang araw matapos habulin ng dalawang Chinese missile crafts ang isang Pilipinong sasakyang pandagat kung saan lulan ang grupo ng ABS-CBN News.

Ang naturang sasakyan ay bumibiyahe sa iba’t-ibang reefs at shoals sa West Philippine Sea, sa exclusive economic zone (EEZ) ng bansa sa South China Sea, malapit sa isla ng Palawan.

Sinabi ni AFP spokesperson Marine Major General Edgard Arevalo na nababahala lamang siya sa seguridad ng lahat, lalo na ang media, na nag-uulat sa katubigan ng Pilipinas.

“While we understand the journalists’ insatiable desire to be ahead in reporting, we appeal to them to exercise prudence in the course of their job,” ani Arevalo.

“The AFP is concerned with the safety and well-being of our Kababayans that we have been forthright and transparent in our reporting about the situation in our EEZ,” dagdag pa nito.

Idiniin din ng opisyal na “in-accomodate” nila ang mga miyembro ng media sa pamamagitan ng water at air assets nito habang nagsasagawa ng coverage para sa kanilang “proteksyon”.

Samantala, tinuligsa naman ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) ang pahayag ng AFP tungkol sa pagiging “prudent” dahil nasa loob naman aniya ng teritoryo ng bansa ang nabanggit na sasakyang pandagat, kung saan ligal at “presumably safe” ito. 

“It is almost like the military is asking the Filipino journalists ‘what were you doing there?’ Even the better question might be aimed at the AFP: What were you not doing there?” diin ng NUJP.

“An even more important question is what the Chinese military was doing in our waters and how the Duterte administration plans to address this incident,” dagdag pa nito. 

Tumanggi namang magkomento rito ang Malacañang at ibinaling ang isyu sa Department of Foreign Affairs at Department of National Defense.

LATEST

LATEST

TRENDING