Duterte, hindi na personal na sasalubungin ang mga paparating na Covid-19 vaccines sa PH

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte hawak ang isang vial ng AstraZeneca Covid-19 vaccine

Hindi na pisikal na sasalubungin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga paparating na Covid-19 vaccines sa Pilipinas, paglilinaw ng Malacañang noong Lunes.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, umaasa ang Pangulo na magkakaroon na ng sunud-sunod na pagdating ng vaccine supplies sa bansa.

Aniya, “Inaasahan naman niyang sunud-sunod na yung pagdating. Kumbaga it’s a matter of course na marami nang darating as supplies ease up worldwide.”

“Hindi na siya pupunta physically sa airport para salubungin yung ibang bakuna,” giit ni Roque.

LATEST

LATEST

TRENDING