Walang dagdag ayuda sa NCR Plus kahit pinalawig ang ECQ: Malacañang

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Walang karagdagang ibibigay na ayuda para sa mga mamamayang apektado ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila at mga karatig lalawigan bagama’t pinalawig ang lockdown sa lugar, paglilinaw ng Malacañang noong Lunes.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang ₱23 bilyong emergency subsidy budget na ilalaan para sa mga local government units (LGUs) sa NCR Plus — Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal— ay ang “kabuuan” na ng ayuda sa ngayon.

Pinlano na umano ng pamahalaan ang nasabing badyet nang nakabase sa dalawang-linggong pag-iral ng ECQ.

“The government, when it was decided to distribute [the aid] per family, considered already that the ECQ would be for two weeks,” ani Roque.

“The reason is during Holy Week, they only lost two days of working days effectively.”

“So we believe that— although it’s never enough — this will tie over our countrymen for this additional ECQ,” dagdag pa ng opisyal.

Ang mga LGUs sa greater Manila area ay makakaasang makatatanggap ng ayuda mula sa pamahalaan ngayong araw, ayon sa Department of Finance. Ang mga benepisyaryo ay makatatanggap ng P1,000 na halaga ng ayuda bawat isa, subalit hindi tataas ng P4,000 kada pamilya, kung saan ang mga pamahalaang lokal ang magdedesisyon kung cash o in-kind ang ayudang ibibigay.

Samantala, sinabi ni Roque na puwede namang magtawag ng special session ang Kongreso kung kinakailangan ng karagdagang ayuda.

Aniya, “If there is need for further ayuda, then Congress would have to be called into a special session.”

“We would need to get a supplemental budget for that purpose.”

“But for the time being, it will be the 23 billion released already will be the totality of ayuda that the people would get,” dagdag pa ni Roque.

LATEST

LATEST

TRENDING