8,920 Covid-19 cases, naitala sa PH para sa halos 139,000 active cases

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Pumalo sa halos 9,000 ang bagong kaso ng Covid-19 na naitala sa bansa noong Huwebes, pahayag ng Department of Health (DOH).

Sa huli nitong bulletin, 8,920 katao ang nahawa sa nakamamatay na sakit, para sa kabuuang 756,199 cases sa buong bansa. Sa bilang na ito, 138,948 o 18.4% ang bilang ng aktibong kaso, isang all-time high para sa ikatlong araw.

Ayon sa DOH, hindi pa kasama sa updated count ang datos mula sa pitong testing laboratories na hindi nakapagsumite ng resulta sa oras.

Sa mga pasyenteng may sakit, 95.9% ang may mild symptoms, 2.5% ang walang sintomas, 0.6% ang kritikal, 0.6% ang severe, at 0.36% ang moderate.

Nakapagtala rin ng 205 new survivors ang DOH para sa total na 603,948 survivors, na 79.0% ng mga nahawa. Anim naman ang naidagdag sa mga nasawi para sa kabuuang 13,306 deaths o 1.76% ng case tally.

LATEST

LATEST

TRENDING