1 linggong ECQ, hindi sapat para labanan ang Covid-19 surge: eksperto

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Maria Tan (AFP/Getty Images)

Inihayag ng isang health expert noong Miyerkules na makatutulong ang pagpapalawig nang isa pang linggo sa implementasyon ng enhanced community quarantine (ECQ) upang masugpo ang pagkalat ng Covid-19.

“Mas maganda ang magiging impact kung umabot tayo ng dalawang linggo,” ani Dr. Anna Ong-Lim, isang pediatric infectious disease expert at miyembro ng Department of Health Technical Advisory Group.

Ang incubation period ng Covid-19 ay dalawang linggo.

“Kung kunwari isang linggo lang natin ito gagawin tapos titigil na tayo, tapos babalik tayo sa dating gawi, personally ang feeling ko mauuwi lang sa wala itong ating intervention. So kung kaya sanang ma-consider na 2 linggo, mas malaki ang magiging impact sa ating sistema,” paliwanag ng eksperto.

“Pero ang isang pwedeng tingnan how well have we been able to comply and what has been the impact. Kung maganda naman s’yempre, mas gusto nating hindi masyadong mahaba para hindi masyadong matinding impact sa ekonomiya,” dagdag pa nito.

Kasalukuyang nasa ECQ mula Marso 29 hanggang Abril 4 ang Metro Manila, Bulacan, Cavite, Rizal at Laguna. Ang mga ospital sa NCR plus bubble ay naabot na ang critical level sa Covid-19 bed capacity.

Nagdesisyon ang pamahalaan na maglunsad ng 30,000 rapid antigen tests kada araw upang mapaigting ang  Covid-19 detection sa Metro Manila at apat na karatig lalawigan.

LATEST

LATEST