PhilHealth number, isa sa ‘unique identifiers’ para sa Covid-19 vaccination

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Dapat ihanda ng prospective Covid-19 vaccinees ang kanilang identification number na inisyu ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) bago tumanggap ng Covid-19 vaccine, pahayag ng ahensya noong Martes.

Sinabi ng PhilHealth na nakasaad umano sa Department of Health Memorandum 2021-0099 na lahat ng potential vaccine recipients ay dapat magparehistro gamit ang unique identifiers. Isa na rito ang PhilHealth ID.

“All potential vaccine recipients shall be registered using their unique identifiers as identified during the masterlisting process such as but not limited to full name and birthday, PhilHealth identification number, system generated alphanumeric or QR or unique codes, or similar,” paglalahad ng naturang kautusan.

Maaari ring magpresnta ang potential vaccine recipients ng kahit anong government-issued ID o government document.

Ayon kay PhilHealth President at CEO Dante Gierran, magbibigay ng assistance ang ahensya sa proseso.

“For those who do not know their PIN or not yet registered with PhilHealth, they should coordinate with any PhilHealth office or call us so we can provide them their PIN or facilitate their registration,” ani Gierran.

Samantala, sa isang televised briefing noong Martes, sinabi naman ni Vaccine czar Carlito Galvez Jr. na: “Pwede naman nila gamitin yung lahat ng mga pwedeng IDs po nila, at saka nakita po natin yung ating PhilSys is also mobilizing its units para makahabol sa vaccination program. Wala naman pong problema for as long as magkaroon tayo ng tinatawag na prescreening and listing para ma-validate na taga-doon talaga sila. And then yung office ID pwede po ‘yon.”

LATEST

LATEST

TRENDING