ECQ extension sa NCR plus, isang ‘last resort’: Malacañang

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Presidential Spokesperson Harry Roque

Ang posibleng pagpapalawig ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila at mga karatig lalawigan ay isang “absolute last resort” para sa pamahalaan, pahayag ng Malacañang noong Martes.

Sa kanyang media briefing, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na pinag-aaralang maigi ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang panukalang pagpapalawig o pag-alis ng ECQ sa NCR plus bubble. Subalit, idiniin nitong ang mas matagal na implementasyon ay hindi ang kanilang unang opsyon.

“Another week or two weeks of ECQ, ‘yan po ay magiging absolute last resort,” ani Roque.

“The first option po is actually to resort to reopening the economy, if possible. Kasi alam naman natin, na itong ayudang binibigay natin is stop-gap, no. Mas importante po na mabigyan ng pagkakataon na makapagtrabaho ang lahat,” dagdag pa nito.

Ayon kay Roque, magpupulong umano ang IATF sa Abril 3 upang isapinal ang kanyang mga rekomendasyon para sa quarantine.

Ang Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal — na tinawag na NCR Plus — ay sumasailalim sa pinakamahigpit na uri ng quarantine mula Marso 29 hanggang Abril 4 kasabay nang pagsipa sa bilang ng Covid-19 cases.

Gayunpaman, iminumungkahi ng Department of Health (DOH) na i-extend ang ECQ nang isa pang linggo, sapagkat baka hindi umano maging sapat ang mahigpit na lockdown upang mapababa ang bilang ng mga kaso at hospital admissions.

LATEST

LATEST

TRENDING