Duterte, pinayagan ang pribadong sektor na makabili ng Covid-19 vaccines nang walang hadlang

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Lunes kay Vaccine czar Carlito Galvez, Jr. na aprubahan ang mga dokumentong magpapahintulot sa pribadong sektor na mag-import ng Covid-19 vaccines.

“I ordered Secretary Galvez to sign any and all documents that would allow the private sector to import at will. Maski magkano, ilan ang gusto nilang ipasok, okay sa akin,” ani Duterte sa kanyang regular na public address tuwing Lunes.

Ayon sa Pangulo, maraming pribadong kumpanya ang nagbabalak mag-procure ng kanilang sariling suplay ng bakuna para sa kanilang mga empleyado upang maipagpatuloy ang operasyon ng kanilang negosyo.

“You know the reason why? So the economy can be opened,” dagdag pa ni Duterte.

Ang pribadong sektor ay pinahihintulutang makabili ng bakuna kontra Covid-19 sa pamamagitan ng tripartite agreement sa pamahalaan at vaccine manufacturer.

Ayon sa awtoridad, dapat tugunan ng gobyerno ang indemnity para sa anumang posibleng side effect ng bakuna, na hindi pa cleared para sa commercial use.

LATEST

LATEST

TRENDING