PH, nakapagtala ng higit 10,000 bagong Covid-19 cases para sa panibagong all-time high

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Miguel de Guzman (The Philippine STAR)

Pumalo sa 10,016 Covid-19 cases – ang bagong pinakamataas na tally sa isang araw – ang naitala ng Department of Health (DOH) noong Lunes.

Ito ang ika-anim na beses sa loob ng dalawang linggo na nakapagtala ang bansa ng panibagong record high, kung saan nalagpasan nito ang dating record na 9,838 cases tatlong araw lamang ang nakalilipas.

Base sa datos ng DOH, umabot na sa 731,894 Covid-19 cases ang naitala sa bansa kung saan 115,494 o 15.8% ang active cases. Idiniin naman ng ahensya na hindi pa kasama sa updated tally ang mga laboratoryong hindi nakapagsumite ng resulta sa oras.

Sa mga active cases, 95.9% ang may mild symptoms, 2.4% ang walang sintomas, 0.7% ang nasa kritikal na kondisyon, 0.7% ang severe, at 0.41% naman ang moderate.

Samantala, umabot na sa 603,213 ang mga gumaling sa sakit matapos maitala ang 78 new recoveries. 16 naman ang mga naidagdag sa mga nasawi para sa kabuuang bilang na 13,186 deaths.

LATEST

LATEST

TRENDING