1M Sinovac Covid-19 vaccines, dumating sa PH noong Lunes

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Nakatanggap ang Pilipinas noong Lunes ng mahigit 1 milyong CoronVac Covid-19 vaccines na gawa ng kumpanyang Sinovac sa China, kung saan ito ang unang batch ng biniling bakuna na nagkakahalaga ng P700 milyon.

Dumating sa bansa ang isang Philippine Airlines all-cargo flight mula Beijing na dala ang nasabing CoronaVac supply bandang 4:04 ng hapon, ayon kay PAL spokesperson Cielo Villaluna.

Dahil sa delivery, nasa 2.5 milyong doses na ang suplay ng bakuna sa bansa kung saan higit 650,000 na ang naipamimigay.

Sinabi ng Department of Health (DOH) na ang 1 milyong doses ay kabahagi ng biniling 25 milyong doses na binili ng pamahalaan mula sa Sinovac.

Sinalubong nina Pangulong Rodrigo Duterte, Health Secretary Francisco T. Duque III, National Task Force against COVID-19 Chief Implementer at Vaccine Czar Secretary Carlito G. Galvez Jr. (NTF Vaccine Czar), at Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian ang pagdating ng mga nasabing bakuna sa Villamore Airbase sa Pasay City.

Karamihan sa mga dumating na doses ang mapupunta sa Metro Manila at sa apat na karatig lalawigan nitong nasa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ), pati na rin sa Cebu at Davao, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

Ayon sa Food and Drug Administration, ang CoronaVac ay mayroong efficacy rate na 65.3% base sa isinagawang trials sa Indonesia, at hanggang 91.2% naman batay sa isinagawang trials sa Turkey, para sa mga adultong edad 18 hanggang 59.

LATEST

LATEST

TRENDING