
Kuha ni: Sen. Bong Go
Sa pagdiriwang ng kanyang ika-76 na kaarawan, hiniling ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang birthday wish ang pagwawakas sa Covid-19 pandemic at pagbalik ng normal na pamumuhay, giit ni Malacañang.
“I’m sure the President wishes an end to this pandemic and he wants all of us to return to our normal lives. That means going back to our high annual growth rate because he promised a comfortable life for all,” ani Presidential spokesman Harry Roque sa isang press briefing.
Si Duterte, na pinakamatandang nahalal na Pangulo, ay ipinanganak noong Marso 28, 1945.
“Despite Covid, I’m sure his birthday wish is to achieve that more comfortable life, that everyone will recover from this pandemic,” dagdag pa ni Roque.