Kamara, mayroon nang 33 deputy speakers

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Pumalo na sa 33 noong Huwebes ang bilang ng House deputy speakers sa ilalim ng pamumuno ni House Speaker Lord Allan Velasco.

Bago ang itinakdang dalawang-buwang break, hinalal ng Kamara si Biñan City Rep. Marlyn Alonte bilang deputy speaker.

Ang mga deputy speakers ang itinuturing na ikalawang pinakamataas na mga opisyal sa Kamara. Sila ang nagpe-preside sa Kamara kung wala ang House Speaker.

Awtomatiko rin nagiging ex-officio members ang deputy speakers sa lahat ng komite ng Kamara, kung saan nagkakaroon sila ng voting powers.

LATEST

LATEST

TRENDING