Pacquiao, nagsusulong ng P335B dagdag pondo para sa Covid-19 response

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Senador Manny Pacquiao

Naghain si Senador Manny Pacquiao ng panukalang batas na layong maglaan ng P335 bilyon na gagastusin para sa pagbangon ng ekonomiya, kung saan direkta itong ibibigay sa bawat pamilya at maliliit ng negosyo na lubos na naapektuhan ng Covid-19 pandemic.

Sa ilalim ng Senate Bill 2123 o Expanded Stimulus Package Act of 2021, ilalaan ang nasabing karagdagang pondo.

Sinabi na Pacquiao na makatutulong ang nasabing hakbang sa pagbibigay ng pangmatagalang solusyon sa mga apektado ng pandemiya lalo na ang mga nasa kanayunan.

Sa ilalim ng expanded stimulus bill, nahahati ang P335 bilyon pondo sa mga sumusunod; P100 bilyon amelioration para sa low-income  individuals, households at homeless; P100 bilyon para sa worker subsidies; P100 bilyon para sa capacity building ng mga critically impacted sectors; P30 bilyon para displaced workers assistance; P3  bilyong internet allowance para sa mga guro ng DepEd K-12 at mga estudyante; at P2 bilyon para sa Commission on Higher Education (CHED)  bilang internet allowances ng tertiary level teachers at students.

LATEST

LATEST

TRENDING