30k katao araw-araw sa NCR, dapat mabakuna vs. Covid-19 upang makamtan ang herd immunity sa rehiyon

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Larawan mula sa: Reuters

Dapat mabakunahan kontra Covid-19 ang tinatayang nasa 30,000 katao kada araw sa Metro Manila sa loob ng anim hanggang pitong buwan upang magkaroon ng herd immunity ang mga residente sa rehiyon.

Ayon kay Dr. Guido David ng OCTA Research Team, ito ang bilang na kinakailangang matugunan sapagkat napakarami ang naitatalang kaso ng Covid-19 sa National Capital Region (NCR).

“If magpu-focus tayo sa NCR, then iyong 30,000 will actually give us the herd immunity. Kung 30,000 per day, it could actually give us herd immunity sa NCR within mga 6 to 7 months. I’m not sure if my calculations are spot on kasi just doing this by head. Pero iyon ‘yung estimate natin na you know, kung sa NCR tayo naka-focus, this is a realistic vaccination program na we can achieve this within the year if we have sufficient supply and iyong rollout natin smooth at hindi magkakaroon ng problema,” paliwanag ni David.

Kinakailangan naman umanong mabakunahan ang nasa 300,000 katao bawat linggo sa ibang bahagi ng bansa upang maabot ang target na mabakunahan ang 70% ng populasyon.

Aniya,  “Kung iyang target natin 70% ng Philippine population, we would need at least mga 10 million vaccines per month. Marami-rami iyon, divided by 30, malaki-laki iyon, mga 300,000 per week iyon. Pero of course distributed naman geographically.”

LATEST

LATEST

TRENDING