Palasyo, naniniwalang bababa nang 25% ang Covid-19 cases matapos ang 2 linggong GCQ

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Michael Varcas (The Philippine STAR)

Buo ang tiwala ng Malacañang na mababawasan nang 25 percent ang bilang ng Covid-19 cases sa bansa pagkalipas nang dalawang linggo dahil sa paghihigpit ng quarantine sa Metro Manila at mga karatig lalawigan.

Kasalukuyang umiiral ang general community quarantine (GCQ) sa NCR, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal at magtatagal ito hanggang Abril 4. Dahil dito, bawal ang pagbiyahe papasok at palabas ng mga nasabing lugar maliban na lamang para sa mga Authorized Persons Outside of Residents (APOR).

Nakiusap naman si Presidential Spokesperson Harry Roque sa mga Pilipino na manatili na lamang sa mga tahanan ngayong darating na Semana Santa.

Aniya, “We all know that the tried and tested formula for preventing the further increase in cases of COVID is to stay home.”

LATEST

LATEST

TRENDING