Palasyo: Higit 1.4M Covid-19 vaccines, darating sa Abril

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Mahigit 1.4 milyong doses ng Covid-19 vaccines ang inaasahang maide-deliver sa unang linggo ng Abril, pahayag ng Malacañang noong Linggo.

Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque, 400,000 doses ng Sinovac vaccines na donasyon mula China ang posibleng dumating sa Marso 23 – 24. Isa pang milyong doses ng Sinovac na binili naman ng pamahalaan ang nakatakdang dumating sa Marso 29.

Umaasa rin ang gobyerno sa pagdating ng AstraZeneca vaccines na mula sa World Health Organization-led COVAX facility mula Marso 29 hanggang Abril 2. Halos “isang milyong” doses umano ang shipment na ito.

“While we are enforcing additional restrictions (to contain the virus), we continue to implement our vaccination,” ani Roque.

As of March 16, 1,092,200 doses ng COVID-19 vaccines ang naipamahagi na sa 965 vaccination sites. Higit 240,000 indibidwal naman ang nakatanggap ng Covid-19 vaccines.

LATEST

LATEST

TRENDING