78% ng quarantine facilities sa Metro Manila, naokupahan na

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Okupado na ang tinatayang 78 percent ng mga isolation facilities sa Kalakhang Maynila kasama na ang “qua­rantine hotels” at “temporary treatment facilities”.

Ibinunyag ito ni Treatment czar at Health Undersecretary Leopoldo Vega kasabay ang panawagan na dagdagan ang mga nasabing pasilidad sa rehiyon.

Aniya, “If we have 8,000 new COVID-19 cases and 4,000 are in NCR since 63% of cases are in NCR, with 97% of them mild and asymptomatic, we need an extra number of isolation facilities.”

Ito ang dapat umanong bigyang ng prayoridad sapagkat dito ang puntahan ng mga “asymptomatic at mild cases” habang ang mga pagamutan naman ang nagsisilbing “last line of defense” para sa mga “moderate at severe cases”.

Samantala, unang inihayag naman ng OCTA Research Group na hindi sapat ang itinakdang dalawang linggo sa “NCR plus bubble” upang tuluyang mapigilan ang pagsipa sa bilang ng Covid-19 cases. Sa ngayon, nasa 2.1 na aniya ang reproduction rate sa NCR at kinakailangan itong ibaba sa 1.5.

“It’s unlikely to get it below that within two weeks. I’m not saying it’s impossible but it seems unlikely,” diin ni Prof. Guido David.

LATEST

LATEST

TRENDING