‘Record breaking’ Covid-19 cases, posible pang tumaas ayon sa OCTA Research

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Edd Gumban (The Philippine Star)

May posibilidad na umabot pa sa mas malaking bilang ang mga naitatalang “record breaking” na Covid-19 cases sa bansa, ayon sa ilang dalubhasa.

Nagbabala ang OCTA Research group na asahan ang mas matataas na bilang ng Covid-19 cases sa bansa matapos ang “record breaking” na 7,103 cases noong Biyernes.

Ipinaliwanag ng OCTA Research na mahirap mapigilan ang paglaganap ng coronavirus.

“Itong record-breaking number natin, hindi pa ito ‘yung huli. In fact, una pa lang ito sa record-breaking, sad to say. Ayaw nating mangyari ‘yan, pero ‘yan ang katotohanan,” paglillinaw ni OCTA Research fellow Guido David. 

“May momentum ‘yung trend eh, may momentum ‘yung pandemic right now and mahirap pigilan ‘yung momentum especially at this level na were getting 7,000 cases, 3,800 in Metro Manila,” dagdag pa nito.

Noong Biyernes, naitala sa bansa ang 7,103 Covid-19 cases na pinakamataas simula nang mag-umpisa ang pandemiya sa bansa. Subalit, naungusan ito kinabukasan nang maitala sa bansa ang 7,999 na mga panibagong Covid-19 cases.

Samantala, sinabi rin ng OCTA na posibleng sumipa sa 10,000 ang mga naitatalang Covid-19 cases sa pagtatapos ng Marso kung walang pagbabagong mangyayari sa trend. Dapat din umanong bantayan ang Metro Manila kung saan maaaring maitala ang 5,000 na mga panibagong Covid-19 cases bawat araw.

“We have a looming public health crisis kasi based doon sa mga projections natin, ‘yung hospitals baka mapuno sila in 2 weeks sa NCR and kung 4 weeks pa natin bago mapababa yung cases, even with interventions, magkakaroon tayo ng public health crisis,” sabi ni David. 

Sa tala ng Johns Hopkins University, pababa ang trend ng mga kaso ng Covid-19 sa Southeast Asia, maliban sa Pilipinas na patuloy ang pagtaas sa bilang ng Covid-19 cases.

LATEST

LATEST

TRENDING