Panibagong pinakamataas na bilang ng Covid-19 cases na 7,999, naitala noong Sabado

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Miguel de Guzman (The Philippine Star)

Nakapagtala muli ang Pilipinas ng panibagong record-high sa arawang pagtaas ng Covid-19 cases sa bilang na 7,999, kung saan pinakamataas din ang bilang ng active cases sa loob ng mahigit pitong buwan.

Pumalo na sa 656,056 ang kabuuang kaso ng Covid-19 cases sa bansa, kung saan nalagpasan nito ang naunang pinakamataas na record na 7,103 – isang araw lamang ang nakalilipas.

Batay sa datos, ito na ang ikalawang araw na umabot sa higit 7,000 ang naitatalang kaso sa bansa kada araw. Ito ay kasabay nang pagmarka sa unang anibersaryo ng lockdown sa bansa.

Pumalo sa 80,642 ang active cases, ang pinakamataas simula noong Agosto 15 kung saan umabot ito ng 83,109.

Mayorya ng mga pasyente na kabilang sa active cases ang mayroong mild na sintomas o asymptomatic. 1 percent naman ang malubha ang karamdaman, habang 0.9 percent ang nas kritikal na kondisyon.

Samantala, 562,484 na ang gumaling, habang nasa 12,930 naman ang nasawi dahil sa Covid-19.

LATEST

LATEST

TRENDING