Pag-aaral tungkol sa Covid-19 variant na nagmula sa PH, posibleng abutin ng ilang buwan

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Ang pag-aaral sa bagong coronavirus variant na unang natuklasan sa bansa ay posibleng magtagal nang ilang buwan, ayon sa World Health Organization.

Magkatuwang ang WHO at Department of Health sa pag-imbestiga sa P.3 variant na natagpuan sa 98 Covid-19 patients sa bansa. Hindi pa ito itinuturing na “variant of concern” sapagkat kulang pa ang datos upang matukoy kung mas mataas ang transmissibility nito o kung nakapagdudulot ito ng increased risk para sa malubhang sakit o kamatayan.

“This (study) could take several months but rest assured that we are doing everything within our capacities here in WHO to support the DOH to understand what it means to have the P.3 variant in the Philippines,” ani Dr. Rabindra Abeyasinghe, WHO Representative to the Philippines, sa isang online media briefing.

Ayon sa doktor, matagal talaga aniya ang pag-aaral sa mga bagong bersyon ng virus.

“I want to remind you that the B.1.1.7 variant was detected first in September last year and now we have some information. That gives you an idea of how much time it takes to understand these variants,” paliwanag ni Abeyasinghe.

Ang nasabing UK variant ay iniuugnay sa mas mataas na virus transmissibility at nakapanghawa na ito nang hindi bababa sa 177 katao sa bansa. Ang dalawang pang variants na binabantayan ay ang South Africa variant, na binabawasan umano ang efficacy ng mga bakuna; at ang Brazil variant, na nakakaapekto sa abilidad ng antibodies.

Ayon sa health authorities, posibleng ang pagpasok ng mga bagong variants sa bansa ang ugat ng nararanasang pagsipa sa bilang ng Covid-19 cases.

LATEST

LATEST