Pacquiao, nais tumakbo bilang Pangulo ayon kay Lacson

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Senador Manny Pacquiao

Gusto umano ni Senador Manny Pacquiao na tumakbo sa pagka-Pangulo sa darating na 2022 elections, ayon kay Senador Panfilo Lacson noong Biyernes.

“Two or three times he approached me and sat beside me and he said, ‘Baka pwedeng mag-usap tayo.’ Kasi ‘yun nga, may plano nga siya, baka pwedeng tulungan siya especially sa budget, ‘yung mga ganun,” ani Lacson.

Nang tanungin kung nagbabalak si Pacquiao na tumakbo bilang presidente, sinabi ni Lacson na: “Yeah, that early. I think this was late last year.”

“Sinabi naman niya and he’s quite open about it. Although ayaw niyang pag-usapan because of COVID. In fairness to him, consistent naman siya na COVID na muna tayo, wag muna ‘yung politika,” dadgag pa nito.

Si Pacquiao, na national president ng PDP-Laban, ang partido ni Pangulong Rodrigo Duterte, ay tumangging pag-usapan ang pulitika sa ngayon, habang hinikayat din ang kanyang mga kapartido na huwag munang pag-usapan ang pulitika habang nasa gitna ng Covid-19 pandemic ang bansa.

LATEST

LATEST

TRENDING