Duterte, hinikayat ang publiko na bigyan ng ‘tsansa’ ang National ID

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte
Kuha ni: Robinson Niñal (Presidential Photo)

Hinikayat noong Biyernes ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Pilipino na bigyan ng “tsansa” ang national ID system na layong ipatupad ng pamahalaan para mapabilis ang serbisyo publiko, masugpo ang kurapsyon, at maalis ang red tape.

Noong 2018, isinabatas ng Pangulo ang Philippine Identification System (PhilSys) Act na layong lumikha ng single official identification card para sa lahat ng mga mamayan at foreign residents, kung saan magsisilbi itong de facto national identification number.
 
“As we pursue this long overdue project, I ask every Filipino to give PhilSys a chance so that we may maximize the advantages of a universal and secure database that will make transactions more efficient and our lives more convenient,” ani Duterte sa isang taped message. 

Pinaalalahanan din ng Pangulo ang publiko na obserbahan ang health protocols, upang makaiwas sa Covid-19, habang nagpaparehistro para sa ID system.

Tiniyak naman ni Duterte na poprotektahan ng PhilSys ang “privacy of all personal information.”

LATEST

LATEST