DOH: 114 bagong variant cases, natuklasan sa 150 samples

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Larawan mula sa: Getty Images

Mayorya ng coronavirus samples na sumailalim kamakailan sa genome sequencing ay natagpuang mayroong bagong Covid-19 variants, ayon sa datos mula Department of Health (DOH).

Mula sa 150 specimens sa huling batch na sumailalim sa genome sequencing, 114 ang mayroong bagong coronavirus variants – 46 patients ang mayroong variant na unang nadiskubre sa United Kingdom, 62 cases ng variant naman mula sa South Africa, at anim na variant na unang natuklasan sa Pilipinas, pahayag ng ahensya noong Sabado.

“These additional cases were among the 150 samples composed mostly of samples from National Capital Region laboratories,” sabi ng DOH.

Sa kabuuan, nakapagtala na ang bansa ng 223 cases ng UK variant, 152 cases ng South Africa variant, at 104 cases ng variant mula sa Pilipinas.

Idiniin ng DOH, kasama ang Philippine Genome Center at National Institutes of Health, na hindi maaaring ituring ang natagpuang variant sa Pilipinas bilang “variant of concern” habang wala pang datos sa transmissibility at kung nakapagdudulot ito ng mas malalang sakit at increased risk ng pagkamatay.

LATEST

LATEST