PH, nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng new Covid-19 cases sa 7,103

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Eloisa Lopez (Reuters)

Nakapagtala ang Pilipinas noong Biyernes ng 7,103 na mga panibagong Covid-19 cases, ang pinakamataas na daily tally sa bansa simula nang manalasa ang Covid-19 pandemic, kung saan pinakamataas din ang bilang ng active cases sa  halos pitong buwan.

Dahil dito, pumalo na sa 648,066 ang kabuuang bilang ng Covid-19 cases sa bansa.

Ang nasabing bilang ang pinakamataas simula nang mag-umpisa ang Covid-19 pandemic sa bansa, kung saan nilagpasan nito ang naunang record na 6,958 na naitala ng Department of Health (DOH) noong Agosto 10.

Hindi pa kabilang dito ang resulta mula sa 5 accredited laboratories matapos hindi makapagsumite sa oras.

Umabot na sa 73,264 ang active cases, kung saan 97.3 percent ng mga ito ang nakararanas ng mild symptoms o asymptomatic.

Samantala, nasa 12,900 naman ang death toll habang 561,902 na ang mga gumaling. 

Nanguna ang Metro Manila sa pinakamaraming naitalang kaso sa bilang na 3,779. Sinundan naman ito ng Calabarzon sa 1,090 na bagong mga kaso.

LATEST

LATEST

TRENDING