General vaccinations vs. Covid-19, posibleng umarangkada sa Abril: Galvez

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Vaccine czar Carlito Galvez, Jr.

Habang inaasahan ang pag-deliver sa bansa ng mas maraming Covid-19 vaccines sa darating na mga linggo, inihayag ni Vaccine czar Carlito Galvez, Jr. noong Martes na posibleng mag-umpisa ang general public vaccinations, sa pangunguna ng local government units (LGUs), sa dulong bahagi ng Abril o sa umpisa ng Mayo.

Mahigit isang milyong Sinovac doses ang inaasahang darating ngayong buwan, habang nasa 900,000 doses naman mula sa COVAX facility ang inaasahang darating sa dulong bahagi ng Marso o sa umpisa ng Abril, dagdag pa ni Galvez.

Samantala, nilinaw naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi magkakaroon ng door-to-door vaccinations – bagay na ninais ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa mga informal settlers.

“As explained to him by [Health] Secretary [Franscisco] Duque, meron pong mga iba’t ibang vaccination centers na itatayo ang mga lokal na pamahalaan. At itong mga vaccination centers naman, hindi malalayo sa mga lugar o mga tahanan na tinitirhan ng mga informal settlers kasi importante rin na ma-monitor sila matapos mabakunahan,” paliwanag ni Roque.

Bukod sa naka-standby na ambulansya sakaling magkaroon ng adverse effects, iginiit din ni Roque na ang mga vaccination centers ay itatayo nang malapit sa mga ospital.

Idiniin din nitong palaging prayoridad ang mahihirap sa vaccination drive ng pamahalaan, kung saan susunod ang indigent senior citizens sa health workers, habang ang nalalabing mahihirap na populasyon naman ay susunod na mabakunahan pagkatapos ang uniformed personnel.

LATEST

LATEST

TRENDING