Roque: Duterte, ‘di minamaliit ang paghihirap ng mga Pinoy

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Hindi umano minamaliit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paghihirap ng mga Pilipino ngayong kalagitnaan ng Covid-19 pandemic ang bansa, depensa ni Presidential Spokesperson Harry Roque noong Martes.

“Ang sinasabi po ng Presidente ay patuloy naman pong ang Pilipinas ay nabubuhay sa kabila ng COVID-19,” ani Roque sa isang virtual briefing.

Ito ang paliwanag ni Roque matapos sabihin ng Pangulo sa isang public address na “maliit na bagay” lamang ang Covid-19 sa buhay ng mga Pilipino.

“Kaya natin ito COVID na ito. Maliit na bagay ito sa buhay natin. Marami tayong dinaanan…mas grabe, mas mahirap, mas magluluha kayo,” sabi ni Duterte noong Lunes.

Binigyang diin ni Roque na nabawasan na ang mga namamatay sa bansa bunsod ng Covid-19 kumpara sa ibang mayayamang bansa.

Aniya, “Hindi po minamaliit ng Presidente ang ating paghihirap pero ang sinasabi po niya eh babangon naman po tayo diyan, we will heal as one.”

Pinuna ng ilang Pilipino ang naturang pahayag ng Pangulo, kabilang ang ilang mga mambabatas.

“Hindi ito maliit na bagay para sa mamamayang Pilipino at nakakabahalang maliit na bagay ang pagtingin ng ating pangulo sa napakalaking problema na idinulot ng kaniyang palpak na mga polisiya sa araw-araw na buhay ng mamamayan,” wika ni ACT Teachers Rep. France Castro.

Sinabi naman ni Sen. Leila de Lima na ang mga binibitawang salita ng Pangulo ay sumasalalim sa kawalan ng “legitimate plan and legitimate leadership.”

LATEST

LATEST

TRENDING