Malacañang, idiniing ‘good job’ ang pamahalaan sa Covid-19 response

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Presidential Spokesperson Harry Roque

Isang taon matapos unang ideklara ng pamahalaan ang pagpapatupad ng community quarantine, iginiit ng Malacañang na hindi naging pabaya ang gobyerno sa pagtugon sa Covid-19 cases.

Sa kanyang briefing noong Lunes, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, na nahawa sa Covid-19, na naging “excellent” umano ang gobyerno sa pagtugon sa mga kaso at ang nararanasan aniyang surge ay dahil sa mga bagong variants na naitatala sa bansa.

Aniya, “Umpisa po ng mga kaso natin we were doing a really good job, an excellent job…kailan lang po ito (surge), nangyari lang ng mga lumipas na araw.” 

“Ayokong sabihin na nagpapabaya ang mga Pilipino pero meron po talagang kinalaman itong mga bagong variants na lumalabas,” dagdag pa nito.

Kinumpirma ng Department of Health noong Sabado na natuklasan ang bagong Covid-19 variant na P.3, na nagmula sa bansa. 98 cases naman ng nasabing variant ang naitala na umano.

Samantala, sinabi rin ni Roque sa kanyang briefing na bagama’t mahalaga ang mga rekomendasyon ng independent research groups tulad ng OCTA Research, ilang “oras” ang itinatagal ng Inter-agency Task Force (IATF) sa pagsasapinal ng mga hakbang na layong pagbalansehin ang ekonomiya.

Sa huli nitong forecast, nagbabala naman ang OCTA na posibleng pumalo sa 8,000 kada araw sa dulo ng buwan ang maitatalang Covid-19 cases sa bansa at posible rin itong sumipa nang hanggang 17,000 at 18,000 sa gitna ng Abril.

LATEST

LATEST

TRENDING