Gobyerno, balak magtayo ng 100 karagdagang quarantine facilities

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Veejay Villafranca (Bloomberg)

Nagbabalak ang pamahalaan na magtayo ng mahigit 100 na karagdagang mga isolation facilities upang matugunan ang karagdagang 4,000 Covid-19 patients sa buong bansa pagsapit ng Abril, giit ni Isolation czar at Public Works Secretary Mark Villar noong Lunes.

Sa isang panayam sa CNN Philippines, sinabi ni Villar na 720 additional quarantine facilities ang itatayo sa susunod na buwan, bilang pandagdag sa kasalukuyang bilang na 600. 26,000 Covid-19 beds naman ang magiging kabuuan mula rito mula sa kasalukuyang 22,000.

Ang pokus sa ngayon ay ang pag-augment sa kapasidad ng National Capital Region, ang sentro ng bagong Covid-19 cases. Ayon sa kalihim, nakapagtala ang rehiyon ng 50% facility occupancy noong Marso 14.

Aniya, “Nationwide, if we average it out, it’s about 16%, pero mataas po talaga ‘yung NCR so medyo doon kami naka-focus.”

“In fact, in the next two weeks, we’ll be utilizing the new pop-up hospital in Quezon Institute. That’s about 110 COVID-19 dedicated beds for severe cases,” dagdag pa ni Villar.

Kung kakailanganin, sinabi ni Villar na bibilisan nila ang paggawa ng mga bagong pasilidad.

Samantala, ayon sa huling forecast ng OCTA Research group, posibleng pumalo nang 8,000 ang arawang Covid-19 cases sa dulo ng buwan, at hanggang 18,000 naman sa gitna ng Abril.

LATEST

LATEST

TRENDING