Bong Go, gustong maging Presidente ayon kay Duterte

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte at Senador Bong Go

Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na nais umano ni Senador Bong Go na maging susunod na Pangulo ng bansa. Inihayag ito ng Pangulo sa kanyang naging talumpati sa inagurasyon ng Port Operations Building sa Dumaguete City, Negros Oriental.

Ayon kay Duterte, “ibinulong” aniya ni Go sa kanya ang kahilingan nito.

“Ito ba si Senator Bong Go, pababa kami sa eroplano, sabi niya, Sir, may hingin sana ako sa iyo na pabor,” sabi ng Pangulo.

“Sabi niya medyo it leaves a bad taste in the mouth pero ikaw na lang ang magsabi sa kanila, sabihin ko, ang totoo. Isang bagay lang, sabihin raw sa inyo, gusto niya maging Presidente,” dagdag pa ni Duterte.

Si Go, na naroon din habang nagsasalita ang Pangulo ay napangiti at napailing na lamang na tila tumatanggi sa naging pahayag ni Duterte .

Noong Marso 5, naunang tinawag na ni Duterte na “President” si Go sa isang event.

LATEST

LATEST

TRENDING