PNP: Pagpapakita ng PDA, sisitahin na

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Larawan mula sa: PNA

Ipinagbabawal na para sa mga magkasintahan at mag-asawa ang pagpapakita ng ng public display of affection (PDA) kasabay nang pagtaas sa bilang ng Covid-19 cases sa iba’t-ibang panig ng bansa.

Ayon sa tagapagsalita ng Philippine National Police (PNP) na si Brig. Gen. Ildebrandi Usana sa Balitaan ng CNN Philippines noong Miyerkules, ang bagong patakaran ay magiging parte ng kanilang pinaigting na kampanya sa pagpapatupad ng minimum health and safety protocols sa mga localities, commercial, at recreational establishments.

Aniya, “Isa lang ho ito sa mga panuntunan na na-mention even in the past on the implementation of health and safety protocols.” 

“Hindi po ito naiba, nire-reiterate lang ito ng PNP,” dagdag pa nito.

Bukod sa mga magkasintahan at mag-asawa, kasama rin sa pagbabawal na ito ang mga malalapit na magkakaibigan at mga miyembro ng pamilya. Bawal na ang mga gawain tulad ng holding hands, paghahalikan, at pagyayakapan sa pampublikong lugar, kung saan sisitahin ito ng mga awtoridad.

Gayunpaman, walang pormal na parusang ipapataw sa mga lalabag sa ngayon, subalit umaasa ang PNP na susundin ito ng mga Pilipino.

“Sisitahin lang po,”ani Usana.

“Siguro sa tingin lang ng pulis, baka madala na sila. O kung lalapitan, pwedeng kausapin, sasabihing ”di pwede iyan,'” dagdag pa ng opisyal.

LATEST

LATEST

TRENDING